Apektado na ang ilang food concessionaires sa Dagupan City matapos magkulang ang suplay ng ilang produkto ng soft drinks.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Albert Maynigo, katiwala ng isang canteen sa lungsod, aniya, nasasayangan sila sa maaari nilang kitain sa soft drinks.
Dagdag pa niya, marami sa kanilang mga costumers ang araw-araw na naghahanap ng softdrinks dahil nakasanayan na nila na may iniinom na softdrinks tuwing kakain o magmemeryenda, gaya nalang ni Dante Dagarag na isang tricycle driver, pagkatapos umano niyang mamasada ay hinahanap na ng kanyang katawan ang softdrinks dahil sa init na rin panahon kaya nais nitong uminom ng softdrinks at tila may kakaiba umano sa sangkap nito kung bakit Hindi nito mapigilang bumili.
Matatandaang daan na nito lamang ika-15 ng Setyembre, nagpaskil na rin ang isang manufacturer ng softdrinks sa bayan ng Calasiao at base sa nakapaskil na advisory, ay suspendido ang bottling operations ng naturang planta dahil sa kakulangan ng suplay ng grade sugar at sa patuloy na nararanasang umano’y krisis sa asukal sa bansa.
Nagsuspende na rin ang ilang kagaya nitong planta sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Samantala, magandang balita ayon sa Sugar regulatory administration na bababa na ang presyo ng refined sugars sa mga palengke sa buwan ng Nobyembre. | ifmnews
Panoorin: https://fb.watch/fHRerdCrQ9/
Facebook Comments