HIGIT P1.5M EDUCATIONAL ASSISTANCE, NAIPAMAHAGI SA LUNGSOD NG CAUAYAN

8
Tinatayang aabot sa P1,629,000 na halaga ng Educational Assistance ang naipamahagi ng DSWD Region 2 sa 602 na benepisyaryo mula sa iba’t-ibang barangay dito sa Lungsod ng Cauayan.

Isinagawa ang payout kahapon sa FLDy Coliseum sa pangunguna ng mga kawani ng DSWD Region 2 at CSWD Cauayan.

Karamihan sa mga tumanggap ng educational assistance ay mga nag-aaral sa kolehiyo na nakakuha ng tig P4,000.

Sa ating nakuhang impormasyon, ang bawat benepisyaryo na nag-aaral ng Elementarya ay binibigyan ng tig P1,000; P2,000 sa Junior High School; P3,000 sa Senior High School at P4,000 naman sa College level.

Maayos at wala naman umanong naging problema sa isinagawang payout.

Samantala, itutuloy naman ngayong araw sa tanggapan ng CSWD Cauayan ang pamamahagi ng nasabing tulong para naman sa mga estudyanteng hindi nakakuha kahapon.

Facebook Comments