Ayon sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa isa sa mga nagreklamo na itinago sa pangalang “Rita”, buwan ng Hunyo umano ng makuha nito ang kaniyang ID na hinintay pa nito ng halos isang taon bago dumating.
Ngunit makalipas lamang ang ilang buwan ay napansin umano nitong kumukupas ang kaniyang mukha sa ID.
Aniya, nahihirapan itong magproseso ng transakyon sapagkat hindi na makilala ang mukha na na sakaniyang ID.
Sa naging exclusive interview naman ng 98.5 iFM Cauayan sa tagapag salita ng Philippine Identification System (PHYLSIS) Isabela na si Ms. Lina Tumolva, sinabi nito na dumaan sa quality control ang mga printed national ID card.
Nagsasagawa na rin umano ng imbestigasyon ang ahensya ukol sa mga nasabing inirereklamong ID.
Dagdag pa niya, kung sakali man umanong makaranas ang sinumang may-ari ng ID ng katulad ng inirereklamo ay magtungo lamang sakanilang tanggapan upang masuri at mapalitan ang kanilang Nat’l IDs.
Ngunit habang hinihintay pa ay maari naman umano munang humiling ng ePhilID o yung printable version ng National ID.