
Patuloy na isinasagawa sa Alaminos City ang Operation Timbang para sa mga chikiting bilang bahagi ng tuloy-tuloy na programa ng lungsod sa pagbabantay at pagpapabuti ng kalusugan at nutrisyon ng mga bata.
Kaugnay nito, isinagawa ang Operation Timbang (OPT) Plus at Data Quality Check (DQC) Field Monitoring sa F. Reinoso Street, Barangay Poblacion, sa pangunguna ng City Nutrition Office.
Pinamunuan ang aktibidad ng mga kinatawan ng City Nutrition Office, katuwang ang mga health worker ng lungsod, upang matiyak na wasto at tumpak ang nakokolektang datos kaugnay ng timbang at nutrisyon ng mga bata.
Ayon sa City Nutrition Office, mahalaga ang maayos na datos bilang batayan sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan at nutrisyon, lalo na para sa mga batang nangangailangan ng agarang interbensyon.
Ang patuloy na Operation Timbang sa iba’t ibang barangay ng lungsod ay bahagi ng layunin ng Alaminos City na makabuo ng mas malusog na komunidad, simula sa wastong pangangalaga sa kalusugan ng mga bata. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










