Ilagan City, Isabela – Nagpakitang gilas at agaw-pansin and tatlong mayor sa lalawigan ng Isabela sa ginanap na culinary exhibit na bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Bambanti Festival sa lalawigan ng Isabela.
Sa pagtutuk ng RMN News Cauayan, ipinakita nina Mayor Jaime Atayde ng bayan ng Luna, Totep Calderon ng Roxas, at Echague Mayor Francis Kiko Dy, anak ng gobernador, ang kanilang husay at galing sa pagluluto matapos nilang pangunahan ang culinary exhibit at paghahain ng mga inumin hango sa mga produkto sa kanilang lugar.
Ang nasabing aktibidad ay ginawa upang ipakita ang ibat-ibang paraan ng pagluluto ng kambing na dinumog naman ng publikong nakikisaya sa nasabing festival.
Ipinatikim ni Mayor Atayde ang masarap na kamburger, fried sweet and sour adobong kambing mula kay Mayor Dy, samantalang ang tinatawag na chevon-uso-buko naman ang ibinahagi ni Mayor Calderon.
Naging saksi mismo sa naturang aktibidad sina Gov. Faustino “Bodjie” Dy III d at ang kanyang may bahay na si Mary Ann Arcega Dy at naging hurado naman ang ilang sikat at hinahangaang mga chef sa bansa at maging sa ibayong dagat.