Ilang menor-de-edad, nangdudukot para may ipang-bayad sa computer shop

Manila, Philippines – Huli sa CCTV ang pangdurukot ng ilang menor de edad sa Pasay City.

Sa video, makikita ang dalawang binatilyo na sinusundan ang isang babae.

Ilang sandali pa, dinudukot na ng isa sa mga lalaki ang cellphone ng biktima sa kanyang bag.


Sa hiwalay na insidente, nahuli naman ang isang bata na kunwaring manlilimos pero maghahanap ng tiyempo na dukutan ang biktima.

Ayon kay barangay 146 volunteer, Recto Calipayan – kaya nandudukot ang ilan sa mga bata ay para may pambayad sa computer shop.

Pansamantalang pinauwi ang bata habang pinababantayan ng mga tauhan ng barangay ang mga kilos nito.

Kapag nasangkot muli sa krimen ang mga ito, ipanghuhuli at ipakukulong na ang mga magulang nito.

Facebook Comments