ILANG MGA AKTIBIDAD NA GAGAWIN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN, PINAGHAHANDAAN NA

Pinaghahandaan na ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang mga susunod na aktibidad na kanilang gagawin.
Ilan sa pinaghahandaan na aktibidad ng probinsya ay ang Kick-off ng Cash-for-work program.
Nagkakahalaga ang programang ito ng P25-million at katuwang sa pagsasagawa nito ang PSWDO sa Pangasinan Eco-Park sa Cayanga, Bugallon.

Pinaghahandaan rin ang paglulunsad ng National Volunteerism Month, magkakaroon rin ng pagtalakay sa status ng mga daanan at tulay sa buong lalawigan kasama ang DPWH district engineers, at ang pagsisiyasat ng pamahalaang panlalawigan sa oportunidad na makapagpatayo ng branded hotels para mapalago ang turismo at lokal na ekonomiya ng probinsya. |ifmnews
Facebook Comments