2022 STATE COLLEGES AND UNIVERSITIES ATHLETIC ASSOCIATION I (SCUAA I) MULING BINUKSAN

Makalipas ang dalawang taon na pagkakaantala ng State Colleges and Universities Athletic Association I dahil sa pandemya, muli itong binuksan nitong lunes, ika-21 ng Nobyembre sa Narciso Ramos Sports and Civic Center ( NRSCC) sa Lingayen, Pangasinan.
Pinangunahan ng Pangasinan State University ang pagbubukas ng naturang aktibidad sa pamamagitan ng grand parade kung saan ang nasabing paaralan ang host school ngayong taon.
Kalahok sa aktibidad na ito ang 3,000 na ng mga estudyanteng atleta na mula sa anim na State Universities at Colleges sa Region 1 kabilang ang Don Mariano Marcos Memorial State University, Ilocos Sur Polytechnic State College, Mariano Marcos State University, North Luzon Philippines State College, University of Northern Philippines State College at ang Pangasinan State University.

Ayon Kay Dr. Romary Lincod, PSU sports director, na ang SCUAA ay naglalayon na itaguyod ang pisikal na edukasyon at hikayatin ang mga kabataan sa mga aktibidad sa palakasan maging ang lahat ng mga matataas na paaralan o higher educations.
Samantala, magtatagal ang naturang palaro hanggang Biyernes ika-25 ngayong buwan. |ifmnews
Facebook Comments