Nagtungo ngayong umaga sa Department of Justice (DOJ) ang ilang mga alkalde ng Negros Oriental.
Ito’y sa pangugnuna ni Pamplona Mayor Janice Degamo na may-bahay ng nasawing si Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Siyam na alkalde ng lalawigan ang maagang nagpunta ng DOJ para sa isang pulong base na rin sa impormasyon mula kay Dauin Mayor Galicano Truita.
Kabilang din sa mga kasama ng mga alkalde sa pulong ay mga kinatawan ng Philippine National Police (PNP).
Papangunahan naman ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kasama si PNP Chief Rodolfo Azurin.
Bukod dito, inaabangan na rin ang pagdating ng apat na iba pang suspek sa pagpatay kay Gov. Degamo pero hindi pa malinaw kung sa DOJ o National Bureau of Investigation (NBI) sila dadalhin.
Facebook Comments