Labing tatlong mga alkalde sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM ang di umanoy napabilang sa bagong listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga Narco Politicians.
Kaugnay nito mas pinalakas pa ngayon ang kampanya ukol sa illegal na droga sa buong rehiyon ayon pa kay Department of the Interior and Local Government ARMM Sec. Atty. Noor Hafizullah “Kirby” Abdullah.
Agad na ring nakipag ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang DILG ARMM.
Maliban sa mga di tinukoy na mga Local Chief Executives , ilang mga Baranggay kagawad at Barangay Chairman din umano ang sangkot sa droga.
Dahil dito, ilan umano sa mga alkalde sa Maguindanao na nasa listahan ay tumawag sa kanya upang humingi ng payo.
Iginiit naman ni Sec. Abdullah, na dapat sa Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sila tumungo at hindi sa kanya upang mabigyan ng kalinawan ang kanilang kinasasangkotan.
Matatandaang ilang mga Mayor at Vice Mayor na rin sa ARMM ang naunang pinangalanan ni Presidente Duterte na sangkot sa Droga, ilan sa mga ito ay napatay na ilan naman ay nagtatago na.(DENNIS ARCON)
GOOGLE PIC