ILANG MGA ATLETA MULA PANGASINAN, NAKAPAG UWI NG GINTONG MEDALYA SA PALARONG PAMBANSA 2023

Kasalukuyang nang nagaganap ang 63rd Palarong Pambansa 2023 ng Department of Education. Nagsimula ito noong July 29 at magtatapos ngayong araw, August 05, 2023. 17 Athletic Organization mula sa 17 Regions ang kabilang sa Palarong Pambansa.
Para sa Region 1, ilang atletang Pangasinense na ang nakapag uwi ng Gintong medalya. Ang tubong Alaminos City na si Kurt David Ragudos ay nakapag uwi ng Gold medal para sa High Jump sa Secondary Boys category. Si Kurt ay nagaaral ng Telbang National High School. Samantalang ang kapwa Alaminian nito na si Charla Chin Malaya ay nakapag uwi ng Bronze medal para naman sa 100m hurdles for Girls Elementary category. Si Charla naman ay estudyante ng Victoria Elementary School.
Maliban sa kanila, isang taga San Manuel, Pangasinan naman ang nakakuha ng Gold medal sa Swimming 4x100m Medley Relay for Secondary Boys category. Ito ay si Matteo Perez Galamgam. As of August 03 of 7pm, anim na Gold, anim na Silver at apat na Bronze na ang medal tally ng Region 1. |ifmnews

Facebook Comments