Ilang mga bata sa Mandaluyong at Marikina, nagbenepisyo sa Batang RT, Batang Radyo, Tatak DZXL Radyo Trabaho

Ikinatuwa ng ilang mga bata sa Marikina City at Mandaluyong City ang mga natanggap nilang munting regalo mula sa DZXL 558 Radyo Trabaho.

Ito ay kaugnay pa rin sa gift-giving activity ng DZXL 558 Radyo Trabaho na tinawag na Batang RT o Batang Radyo Tatak DZXL.

Layunin nito na maipadama ang pagmamahal at kasiyahan sa mga bata ngayong panahon ng pandemya.


Sa ikatlong araw, umikot ang DZXL 558 Radyo Trabaho sa buong Marikina at Mandaluyong City, kung saan labing-limang mga bata ang nabigyan ng Batang RT T-Shirt, personalized face mask, at regalo bundle.

Ang mga batang nabigyan ay nag-e-edad ng tatlo hanggang 13 years old kung saan siyam dito ay mga lalaki at anim ang mga babae.

Sa kabuuan, mula noong June 9, ang unang araw ng pag-arangkada ng nasabing programa, umabot ng apatnapung mga bata ang nabigyan ng regalo.

Ito ay mula sa mga lungsod ng Quezon, San Juan at Maynila.

Antabayan sa susunod na araw ang iba pang pakulo ng DZXL 558 Radyo Trabaho, ang inyong gabay sa hanap buhay.

Facebook Comments