ILANG MGA BATAS AT ORDINANSA PARASA PEACE AND ORDER NG DAGUPAN CITY, INILATAG NG CAGPTD

Inilatag ang ilan sa mga batas at ordinansa na iiimplementa sa lungsod ng Dagupan matapos itong talakayin ng Dagupan City Advisory Group for Police Transformation and Development sa naganap na City Advisory Council Meeting kahapon araw ng Miyerkules, March 22, 2023.
Una nang tinalakay ang ilan sa mga katuparan o ang accomplishments ng PNP Dagupan sa pangunguna na PLtCol. Vicente Castor Jr., sa pagsugpo at paglaban sa mga krimen at katiwalian na nangyayari sa lungsod ng Dagupan, gayundin ang KASIMBAYANAN ACTIVITIS at ilang mga community outreach programs.
Pinulong ng City Advisory Group for Police Transformation and Development o ang CAGPTD members ang ilan lamang sa mga batas na nais maisakatuparan sa lalong madaling panahon.

Isa na rito ang striktong pag-implementa ng curfew hour sa mga kabataang Dagupeno bunsod ng dumadaming populasyon nila pagsapit umano ng gabi. Pansin pa rin ang mga tumatambay pa na maaaring mag sanhi ng kapahamakan sa kanila.
Bahagi rin ang pagpapaigting tungkulin ng PNP’s ANTI-CYBERCRIME GROUP na naglalayong bigyang pansin ang talamak na mga online scamming at iba pang cyber-enabled criminality.
Isa rin ang pagkakaroon ng ilang mga emergency equipment na mabibigay sa 31 barangays sa lungsod sa panahon ng mga sakuna at kalamidad.
Samantala, bago pa ito maimplementa nang tuluyan ay idadaan pa ito sa mga proseso upang mapag-usapan ang bawat bahagi ukol sa mga ito at upang mas maging epektibo ang resulta ng mga ito. |ifmnews
Facebook Comments