SEARCH FOR BINIBINING SAN QUINTIN 2023, INUMPISAHAN NA

Ngayong buwan ay ipinagdiriwang ang International Women’s Month kung kaya’t inumpisahan na rin ang search for Binibining San Quintin 2023 ngayong buwan ng Marso. Ang kanilang screening dates ay nag umpisa na nitong nakaraang March 18 at ngayong March 25, araw ng Sabado.
Ang nasabing aktibidad ay gaganapin sa Liga ng Barangay Office Conference Room. Ayon sa LGU San Quintin, sa mga binibining nais makilahok sa pageant ay residente lamang ng nasabing bayan, at least 5’2 in height, single at 16 to 24 years old pa lamang.
Hindi natin maitatanggi na mahilig ang mga Pangasinense sa pageants dahil maraming magaganda sa ating probinsya. Ipagpatuloy niyo lang at iwagayway ang bandila nating mga kababaihan. |ifmnews

Facebook Comments