π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π— π—šπ—” 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 𝗔𝗧 π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π—— 𝗦𝗔 π—₯π—˜π—›π—œπ—¬π—’π—‘ 𝗨𝗑𝗒, π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—”π—šπ—”π—¬ 𝗑𝗔 𝗦𝗔 π—£π—œπ—‘π—ž π—•π—¨π—™π—™π—˜π—₯ π—­π—’π—‘π—œπ—‘π—š 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦 π—‘π—š 𝗔𝗦𝗙

Inilabas na ng National ASF Prevention and Control Program ang mga bayan at lungsod sa rehiyon uno na ibinaba sa mas mababang klasipikasyon ng ASF.
Base sa pinakahuling inilabas ng ahensya nitong ika-7 ng Nobyembre kabuuang tatlumpo’t anim na bayan at lungsod ang inilagay sa Pink Buffer Zoning Status ng ASF na dati ay nasa Red Zoning Status o kinabibilangan ng mga lugar na may kumpirmadong kaso ng African Swine Fever.
Paliwanag ng ahensya ang pink zone status ay nagsisilbing buffer, kung saan walang naitalang ASF ngunit katabi ng isang infected zone at mga lugar na hindi nakapagtala ng ASF sa loob at hindi bababa sa 90-araw.

Samantala, base pa rin sa anunsyo ng ahensya, mayroong animnapu’t dalawa (62) na mga lugar sa rehiyon ang itinaas sa yellow zoning status o surveillance zone kinabibilangan ng mga lugar na high-risk areas sa ASF dahil sa dami na mga baboy maging ng mga produkto.
Ang bilang na ito ay dating nasa Pink Buffer zoning status monitoring ng ahensya. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments