Ilang mga Bayan sa Isabela, Nagsuspinde ng Klase; Ilang mga Tulay Hindi Madaanan!

Cauayan City, Isabela- Pansamantalang sinuspinde ang pasok sa ilang mga bayan sa probinsya ng Isabela dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan sa Lalawigan.

Walang pasok ngayong araw sa lahat ng antas ng paaralan sa mga bayan ng Aurora, Angadanan, Benito Soliven, Naguilian, San Mariano, Reina Mercedez at City of Ilagan.

Hindi na rin madaanan ang ilang mga overflow bridges sa Isabela gaya ng Baculud at Cabisera 8 sa City of Ilagan, Alicaocao overflow bridge sa Cauayan City, Gucab at Annafunan Overflow bridge sa bayan ng Echague maging sa mga karatig na probinsya dahil sa pag-apaw ng tubig.


Samantala, suspendido na rin ang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Lalawigan ng Quirino habang nakakaranas muli ng pagbaha sa ilang bahagi ng Cagayan.

Pinag-iingat naman ang lahat ng mga nakatira malapit sa ilog at bundok at pinapayuhang maging alerto at mapagmatyag sa mga ganitong sitwasyon.

Facebook Comments