Ilang mga biktima ng sunog sa Barrio Bisaya ng Barangay Alabang, Muntinlupa, nananawagan na ng tulong

Nananatili ngayon sa Muntinlupa City Terminal ang ilang mga biktima ng sunog noong linggo na nangyari sa Barrio Bisaya ng Barangay Alabang ng nasabing lungsod kung saan 294 na pamilya ang nawalan ng tirahan.

Dito halos hindi nasusunod ang heath protocols laban sa COVID-19 dahil ang ilan sa kanila ay walang suot na face mask at faceshield at hindi na rin nasusunod ang social distancing.

Sa dalawang araw nilang pananatili dito, humihingi na sila ng tulong.


Pangunahing problema nila ay ang palikuran at tubig na maiinom.

Ayon kay Jaysan Paez, isa sa mga biktima ng naturang sunog nasa 30 hanggang 40 na pamilya ang nananatili dito, dahil ang iba ay inilagay sa ilang pampublikong paaralan ng lungsod na ginawa nilang evacuation center.

Maluha-luha itong nananawagan ng tulong sa mga ikinauukulan. Apela niya na bigyan sila ng matutuluyan.

Paliwanag niya kaya sila tumanggi na sumama sa evacuation center na itinalaga ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa dahil matatakot silang baka walang ng balikang tinrahan.

Nangako naman pamahalaang lungsod ng Muntinlupa na magbibigay ito ng ayuda na pagkain at pera sa mga biktima ng sunog sa nasabing lugar.

Facebook Comments