Fully booked na ang ilang mga biyahe sa pampublikong bus patungong North Luzon sa Sampaloc, Maynila.
Ilan sa mga biyaheng ito ay patungong Cagayan, Ilocos, Tuguegarao, Aparri at Isabela.
Ayon sa ilang mga driver at konduktor ng bus terminal, mula pa kahapon ng tanghali ay dagsa na ang mga pasahero kung saan ang iba ay naghihintay na lamang na magkaroon ng bakante o chance passenger lalo na’t limitado ang araw ng kanilang bakasyon.
Karamihan sa mga pasahero ay sabik ng magbakasyon sa kani-kanilang probinsya lalo na’t ito muli ang kanilang pagkakataon na makauwi magmula ng magkaroon ng COVID-19 pandemic.
Inaasahan ng pamunuan ng bus terminal na dadami ang bilang ng mga pasahero sa mga susunod na araw kaya’t patuloy ang ginagawa nilang paghahanda para dito.
Todo higpit naman sa pagbabantay ang mga security personnel ng bus terminal katuwang ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) para masiguro ang kaayusan at kapayapaan kasabay na rin ng pagpapaalala sa mga ipinapatupad na guidelines sa minimum health protocols upang hindi mahawaan ng COVID-19.