Bilang ng mga pasahero sa mga bus terminal sa Pasay City, matumal

41

Kakaunti pa lamang ang bilang ng mga pasahero na dumarating sa ilang mga provincial bus terminal sa lungsod ng Pasay.

Partikular sa Buendia o Gil Puyat Avenue na kahit pa nagdaan ang weekend ay kakaunti ang nagtungo hindi tulad noong buwan ng Disyembre na dagsa ang mga pasahero.

Ilan sa mga biyahe na maaaring sakyan ng mga pasahero sa mga bus terminal na ito ay patungong Batangas, Laguna at Quezon.


Bagama’t matumal pa ang mga biyahe, pinaghahandaan ng pamunuan ng mga bus terminal ang pagdagsa ng mga pasahero sa darating na Martes o April 12, 2022.

Kaugnay nito, hinihimok nila ang mga pasahero na maaaring magtungo at sumakay sa kanilang mga bus dahil may mga biyahe rin silang inaalok kahalintulad ng mga biyahe sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Samantala, bukod sa mga security officer ng mga bus terminal ay nakabantay rin sng ilang tauhan ng Pasay City Police at mga barangay tanod para masiguro ang kapayapaan at kaayusan.



Facebook Comments