ILANG MGA CALASIAO JEEPNEY DRIVERS, MULING IPINAHAYAG ANG SALOOBIN UKOL SA UMIIRAL NA MODERNIZATION PROGRAM

Muling ipinahayag ng ilang jeepney drivers na may rutang Calasiao at Sta. Barbara sa lungsod ng Dagupan ang kanilang saloobin ukol sa umiiral na Modernization Program.
Maliit umano ang rutang iniikutan ng kanilang pampasaherong sasakyan at sakto o tama lang ang kinikita sa isang arawang byahe. Masyadong malaki rin ang bayarin buwan – buwan na pumapalo sa higit tatlumpung libong piso o 30, 000 plus sakaling mag-avail ng modernized na jeepney.
Hindi umano kaya sa liit ng rutang iniikutan, hindi kumpara sa ilang mga malalayong bayan tulad ng Lingayen, Bayambang o Urdaneta City.

Wala rin umaano magagawa ang mga tao sakaling itotal phase out na nga ang mga pampublikong sasakyan at tanging mga modernized lamang na jeepney ang magpapatuloy sa operasyon sa pamamasada.
Ani ng driver, baka raw ay ijunkshop na rin ang kanilang mga jeepney sakaling hindi na papayagan ang mga ito. Nang tinanong naman kung pwede ba itong maging service, depende pa rin umano ito kung papayagan pang pumasada.
Dagdag pa nito, mas maigi talaga ang tradisyunal na jeep lalo na at hindi ito sobrang magastos na tiyak namang nakatutulong sa kanila at sa kanilang mga binubuhay ma pamilya. |ifmnews
Facebook Comments