𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗟𝗜𝗠𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔𝗛𝗔𝗡

Nababahala na rin ang ilang mga commuters sa Dagupan City sa muling pagbabalik ng mga namamalimos sa ilang kakalsadahan ngayon.
Ayon sa ilang commuters, maaari kasing maging dahilan ang mga ito ng disgrasya lalo at basta na lamang silang tumatakbo sa gitna ng kalsada o highway.
Minsang nakikita ng mga commuters ang mga ito sa ilang pangunahing kalsada gaya na lamang sa bahagi ng Nagilayan kung saan may mga makikitang badjao na namamalimos, maging sa Arellano St. ay may makikitang matatandang namamalimos sa gilid ng mga establisyimento.

Gustuhin mang maawa ng mga ito ay mas nababahala sila sa maaaring mangyari sa mga namamalimos lalo at hindi naman umano parepareho ang ugali ng mga tao.
Hinala ng ilang commuters, dumami nanaman ang mga namamalimos dahil nalalapit nanaman ang pasko at bagong taon kung saan isa sa raket ng mga ito ang pamamasko para makapanlimos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments