Ikinatuwa ng ilang mga Dagupeño ang pag-arangkada ng Kadiwa ng Pangulo sa lungsod nito lamang September 2 hanggang September 3 ngayong buwan.
Dala ng mga Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs ang kani-kanilang mga produkto na mula pa sa iba’t-ibang mga lugar sa lalawigan ng Pangasinan upang maihatid ang direct selling na makapagbibigay ng mas murang presyuhan.
Ayon sa ilang mga Dagupeno na tumungo at nakapag-avail ng mga mura at sariwang produkto ay malaking tulong daw ito lalo ngayon na nagmamahalan ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado at sa mga pampublikong pamilihan.
Dagdag pa ng mga ito na sana ay magtagal ang Kadiwa ng Pangulo sa lungsod upang ang mapakinabangan pa umano ito ng iba pang Dagupeno.
Ilan lamang sa mga produktong ibinenta ay ang mga bigas, isda, gulay, prutas, gayundin ang mga tsokolate, cacao, iba’t-ibang uri ng chips, dried fish, itlog maging mga bangus products.
Samantala, layon pa rin nitong matulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa kanilang hanapbuhay at alinsunod na rin sa adhikain ng Pangulo na makamit at mapanatili ang food sustainability. |ifmnews
Facebook Comments