ISANG LIBONG MIYEMBRO NG PEDICAB DRIVERS SA BAYAN NG MANGALDAN, NAKATAKDANG TUMANGGAP NG PAYOUT

Nakatakdang tumanggap ng payout sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang mga miyembro ng Pedicab Drivers and Operators Associations sa bayan ng Mangaldan sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng bayan at Sen. Marcos.
Bago pa ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay nauna nang sumailalim ang mga ito interview at balidasyon upang maberipika at maging kwalipikadong benepisyaryo ng nasabing programa.
Nasa isang libong mga tricy drivers at operators naman ang tatanggap ng tatlong libong tulong pinansyal bilang assistance sa naranasang epekto ng nagdaang Bagyong Egay at Falcon.

Bagamat nakatakda sanang tanggapin na ito nito lamang September 3 ay pansamantala munang sinuspindido. Maaari namang makibalita sa lokal na pamahalaan ng bayan o sa information office nito sa susunod na itatakdang schedule ng AICS Payout. |ifmnews
Facebook Comments