ILANG MGA DAGUPEÑO, UMPISA NANG ISINASAAYOS ANG MGA KAKAILANGANIN BILANG PAGDAOS SA NALALAPIT NA UNDAS 2023

Maaga pa lamang ay ilang mga Dagupeno na ang umpisa na sa pagsasaayos sa ilang mga kakailanganing bagay at hakbangin sa pagdaos na nalalapit na Undas sa buwan ng Nobyembre ngayong taon.
Ani ng ilan ay ipinapaayos at pinalilipat na ang puntod ng mga namayapang kaanak sa isa pang sementeryo sa lungsod maaga pa lamang dahil tiyak umano na mas maabala na kung sa susunod na araw pa ipapaayos ito.
Habang ang iba naman ay balak na rin palinisan ang puntod ng kani – kanilang namayapang kamag – anak lalo at nasa mababang bahagi ang puntod ng mga ito at madalas ay nalulubog ang mga ito sa baha sa tuwing sumasapit ang mataas na pagbaha sa lungsod.

Sa kaugnay na balita, maging ilang mga residente sa Dagupan na magmumula pa sa ibang lugar dahil sa kanilang mga trabaho ay nagbabalak nang umuwi ng maaga upang asikasuhin ang mga kailangan pang aksyon para maging mapayapa at maayos ang pagbisita umano ng mga ito sa kanilang mga namayapang kaanak.
Samantala, sa darating na November 1 at 2 ang pagdaos ng All Saints at All Souls Day, ang panahon sa paggunita at pagbisita ng mga tao sa kani-kanilang namayapang pamilya at kaanak. |ifmnews
Facebook Comments