LIMANG SACHET NG SHABU, KUMPISKADO SA ISANG MOTORCYCLE SHOP SA BAYAN NG BAYAMBANG

Arestado ang isang Motorcycle Shop Owner matapos mahulian ng shabu sa kanyang pwesto sa bayan ng Bayambang.
Ang suspek ay nakilalang si Oliver Casingal residente ng Zone 7 sa nasabing bayan.
Nagkasa ng Search Warrant Implementation ang PNP sa pwesto ng suspek sa Barangay Tanolong pasado alas tres ng Hapon.

Umaabot sa limang sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa pwesto nito na nagkakahalaga ng mahigit tatlumpung libong piso.
Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments