ILANG MGA DALAW SA SEMENTERYO, NAGSIMULA NG BUMISITA

Cauayan City – Hindi pa man sumasapit ang araw ng Undas, may mangilan-ngilan ng mga pamilya ang dumadalaw sa kanilang yumaong mahal sa buhay sa mga sementeryo dito sa lungsod ng Cauayan.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Ginang Gloria, isa sa mga maagang dumalaw, 24 na taon na nitong dinadalaw ang puntod ng kanyang magulang at nakagawian na nito ang maagang pagdalaw upang maglinis.

Aniya, tuwing ganitong panahon ng undas talagang pahirapan sa pagdalaw sa mga mahal sa buhay na yumao na dahil sa nararanasang mga pag-ulan kaya naman talagang pinaghahandaan nila ang paglalagay ng mga tent na siyang nagsisilbing pansamantalang lilim nila sa maulang panahon.


Sinabi rin nito na umulan man o umaraw, inilalaan ng kanilang pamilya ang buong maghapon sa pagdalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay na namayapa na.

Bagama’t nakadalaw na ngayon, ay dadalaw pa rin ito sa sementeryo kasama ang kanilang pamilya sa mismong araw ng Undas.

Facebook Comments