Ilang mga delegation sa palarong pambansa nakakuha na ng medalya

Sa Davao, sa pag-arangkada ng unang araw sa palarong pambansa 2019, umarangkada naman ang mga atleta sa pagkuha ng mga medalya sa nasabing Sports Event.

Sa partial & official medal tally sa palaro na ipinalabas ng organizers, may tig-isang gold medals na ang NCR at Bicol Region kung saan kaninang umaga, ang unang nakakuha ng gold medal sa palaro ay ang Bicol Region na kinilalang si Leslie Delima sa laro na 3,000 Meter run.

Dagdag nito, nakakuha na rin ng gold medal ang bangsamoro autonomous Region in Muslim Mindanao sa larong high jump Elementary Boys at nakuha rin ng atletang si Algin Gomez na taga Region 2 Cagayan Valley ang gold medal sa long jump secondary boys.


Sa talaan ng Department of Education o Dep-Ed, may nakuha ng medalya ang Region III, V, X, XI at NCR.

Facebook Comments