ILANG MGA DRIVERS AT OPERATORS NG PAMPASAHERONG JEEP, INAASAHAN ANG DALAWANG PISO SANANG FARE INCREASE

Taliwas sa inaasahan ng mga drivers at operators ng mga pampasaherong sasakyan ang nangyari kaugnay sa hininging fare increase ng transport sector sa kinauukulan.
Matatandaan na limang pisong dagdag pasahe ang hiling ng mga ito bagamat ang aprubado lamang ng awtoridad ay pisong increase sa pamasahe.
Ilang mga drivers sa Dagupan City, kahit dalawang piso man lang sana ang aprubado kahit na hindi muna ang limang piso.

Ang iba pa ay aminado na tulong na rin ito bilang pambawi sa mga nagdaang naranasang taas presyo ng krudo bagamat hindi pa rin maalis sa kanila ang inaasahang karagdagang piso pa sana umano.
Samantala, aasikusahin na raw agad ng mga ito ang mga papeles sa pagpapatupad nito sa kanilang mga pampasaherong sasakyan kung tuluyan nang maibaba at maimplementa ang nasabing kautusan. |ifmnews
Facebook Comments