Tiniketan ng Quezon City Task Force Disiplina ang ilang nagpunta sa Bagbag Cemetery sa Quezon City matapos magsama ng mga menor de edad at senior citizen.
Nabatid na bago sumapit ang Oktubre 29 ay maaari pang magtungo sa mga sementeryo pero bawal ang mga bata at nakakatanda.
Pinapasok pa rin ang mga sinita at tiniketan, basta’t iiwan sa admin office ang kasamang bawal sa loob ng sementeryo.
Sa ngayon, bagaman maulan ay dinagsa pa rin ang Bagbag Cemetery.
Ito na kasi ang huling weekend na maaari pang dumalaw sa mahal sa buhay kaya’t inasahan na nila ang pagdating ng maraming bisita.
Aabot sa 1,500 ang pinapayagan sa loob ng Bagbag Cemetery para sa ipinapatupad na safety health protocols ngayong may pandemya.
Facebook Comments