ILANG MGA ESTABLISYIMENTO SA DAGUPAN CITY, NANANATILING SARADO BUNSOD PA RIN NG MATAAS NA PAGBAHA

Nanatiling sarado ang ilang mga establisyemento sa lungsod ng Dagupan bunsod pa rin ng kasalukuyang nararanasang mataas na lebel ng tubig baha sa lungsod.
Bagamat nakitaan na ng paghupa nito, partikular ang galing sa mga kabundukan at ang tubig mula sa Sinucalan River, ay mataas pa rin ang lebel ng tubig dahil sinasabayan ito ng high tide na noong araw ng Biyernes, August 4, ay nasa 1.31M ang lalim nito.
Ang mga establisyimento sa ilang bahagi ng Tapuac, gayundin sa kahabaan ng Perez Blvd ay hindi pa rin nagbubukas. Ayon sa ilang nakapanayam ng IFM Dagupan, bukod daw umano sa pasakit sa pagpunta ng City Proper ang mga ito ay apektado rin ang kanilang mga hanapbuhay.

Nasasayangan din umano ang mga ito sa ilang araw na kumikita na sana ng peara. Aminado naman ang mga ito na mas maigi na ang pagkalugi ng ilang araw kaysa naman sa panganib na naidudulot ng pagbaha sa kanilang buhay.
Samantala, nananatiling mataas ang lebel ng tubig baha partikular sa mga main roads, sa kahabaan ng Perez Blvd., sa Junction area at ilang bahagi sa Tapuac. |ifmnews
Facebook Comments