Ilang mga estudyante at magulang, hati ang opinyon sa pagbabago ng school calendar

Hati ang pananaw ng ilang mga magulang at estudyante sa pagbabago ng school calendar sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ito ay matapos na ihayag ng Department of Education (DepEd) na unti-unti na nilang ibabalik ang old school calendar kung saan Abril at Mayo ang bakasyon ng mga estudyante at Hunyo ang pasukan.

Ayon kay Robin Lou Sibayan, estudyante ng Ramon Magsaysay High School, nakasanayan na nila ang kasalukuyang school calendar kaya sana ay ituloy na lang umano.


Kapag binago umano kasi ay panibagong adjustment na naman ito para sa kanilang mga estudyante.

Pabor naman ang ilang mga magulang sa old school calendar dahil makaiiwas sa mainit na panahon ang mga estudyante.

Kawawa anila kasi ang mga estudyante lalo pa’t kapag mainit ang panahon ay hindi kinakaya na bentilador lamang ang gamit.

Paliwanag nila na may pagkakataon pa umano na siksikan ang mga classroom kaya talagang kawawa ang mga estudyante.

Facebook Comments