Inaasahang mas magiging mabenta ngayong taon ang ilang mga food business sa bansa.
Matatandang humina ang ilang mga maliliit na negosyo matapos ipatupad ang lockdown bunsod ng Coronavirus Disease.
Ayon kay DOLE Asec. Dominique Tutay, madami nang negosyo ang nagsara matapos malugi ang ilang mga negosyante pero sa kabila nito, marami ring negosyo ang magbubukas ngayong 2021 kabilang na ang sektor sa health, IT BPM, construction at iba pa.
Sa pahayag naman ng pamunuan ng GO Negosyo Philipine Center for Entrepreneurship, dapat na ingatan ng mga negosyante ang kanilang mga kapital para hindi maapektuhan ang kanilang personal na ipon o panggastos para maprotektahan partikular ang pangangailangan ng kanilang pamilya bunsod ng COVID-19 pandemic.
Aniya, mas magiging malakas ang mga negosyo kung gagamit ng iba’t ibang online o e-commerce platform.