Ilang mga hinihinalang miyembro ng NPA, nasawi matapos maka-engkwentro ng mga awtoridad

Patay ang isang pinaghihinalaang miyembro ng Communist New People’s Army (NPA) terrorists sa sagupaan ng tropa ng pamahalaan nitong Martes.

Sa report na nakarating sa Kampo Krame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick Augustus Alba na nagsasagawa noon ng hot pursuit operation ang 48th IB personnel nang maka-engkwentro nila ang nasa limang miyembro ng mga rebelde.

Tumagal ani Alba ng 10 minuto ang palitan ng putok kung saan pagkaraan nito ay nagpulasan ang mga rebelde.


Samantala, narekober ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga labi ni Bert Era alyas Tatay Bert/Mayo, 64.

Kasama sa mga narekober ang iba pang ebidensya tulad ng M16 rifle, cal .45, Colt pistol; back pack na naglalaman ng personal na mga kagamitan at mga bala.

Sinabi pa ni Alba na naka-engkwentro pa ng tropa ng pamahalaan ang mga rebelde sa Davao Oriental na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang miyembro ng suspected Communist NPA terrorists.

Kinilala ang mga nasawing rebelde na sina Eduardo Jamonir at Roland Ungan Sr., kung saan nakakumpiska rin ang mga awtoridad ng mga bala at baril.

Facebook Comments