Ilang mga indibidwal, nasita sa Baywalk dahil sa pag-eehersisyo

Tumutulong sa paninita at pagbabawal sa pag-eehersisyo ang mga marshall ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), at mga tauhan ng Coast Guard sa bahagi ng Roxas Boulevard, partikular sa Baywalk area sa lungsod ng Maynila.

Karamihan sa mga nasisita ay ang mga namamasyal at mga Non-Authorized Person Outside Residence (APOR), sa kabi-kabilang pagsisita sa pag-eehersisyo ay may ilan pa rin na lumalabas upang mag-jogging at magbisikleta.

Katwiran ng mga nasita, hindi nila narinig ang anunsiyo kagabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa naging desisyon ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR).


Ilan sa kanila ay nakikisuyo na magbigay ng anunsiyo sa mas maagang oras para mapaghandaan nila ito.

Agad din naman nagsiuwian ang mga nag-jo-jogging at nagbibisikleta na karamihan ay Overseas Filipino Workers (OFWs).

Facebook Comments