Bagamat extended ng isang taon ang prangkisa ng mga tradisyunal na jeepney, na malaking bagay din para sa mga jeepney drivers ay ramdam pa rin ng ilan sa mga ito ang hirap sa kung paano makakasunod sa pag-iimplementa ng modernized jeepneys.
Maproseso umano at malaking pera ang kakailanganin upang makapaglabas ng bagong jeep o ang modernized jeepney, mahirap din umano itong hulugan dahil ang halaga nito ay nasa mahigit dalawang milyon din.
Sa dagupan city, nasa higit dalawampu pa lang ang mga modernized public utility vehicle at halos lahat na ay tradisyunal na jeepney pa rin.
Ayon sa ilang drivers, maraming driver ang mawawalan ng trabaho kung sakaling fully implemented na ang pag phase out ng mga tradisyunal na jeep, at nakakaapekto ito umano sa kanilang mga pami-pamilya.
Iniinda rin ng mga ito ang pagtaas at pagbaba ng presyo sa produktong petrolyo.
Nabanggit din ang kahabaan ng ruta sa dagupan city, dahil maliit lamang ang iniikutan ng mga pampasaherong jeep, hindi gaya sa ruta ng pa lingayen, pa san carlos na malaki at may kahabaan kaya’t mas applicable sa kanila umano ang mga modernized jeepneys.
Samantala, isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ng mga jeepney drivers ay ang ukol sa kanilang kinabibilangan na kooperatiba. |ifmnews
Facebook Comments