Naghahanda na ang ilan sa mga kabataang Dagupeño sa Dagupan City na nais mapabilang sa SK Council para sa pagfile ng certificate of candidacy ngayong araw ng Lunes, August 28.
Ayon sa ilang nakapanayam ng iFM Dagupan sa SK Council Member aspirants, tiniyak nila ang pagdating ng maaga upang magfile gayundin kanilang ibinahagi ang paghahanda ng kanilang mga plataporma’t proyektong ibabahagi rin sa panahon ng kampanya at nais ilunsad kung nahalal na sa posisyon ang mga ito.
Dito sa Dagupan City, magaganap ang COC para sa Barangay and SK Elections sa People’s Astrodome na nauna na ring pinaghandaan ng COMELEC Dagupan.
Matatandaan na, inaasahan ng tanggapan ang bilang na nasa tatlong libong mga Dagupeño ang mag fa-file ng kanilang COC.
Samantala, magtatapos naman ang filing sa araw ng Sabado, September 2 ngayong taon. |ifmnews
Facebook Comments