JOB FAIR NA ISINAGAWA SA MANGALDAN, DINAGSA

Abot higit isang daang aplikante ang dumagsa sa isinagawang Job Fair ng PESO Mangaldan kamakailan kung saan ilan sa mga aplikante ang na-hire on the spot.
Nasa higit tatlong libong local at international job opportunities ang nakilahok sa isinagawang jobs fair sa munisipalidad kung saan dalawamput siyam ang hired on the spot mapa-lokal man o abroad na hatid ng sampung kumpanyang lumahok.
Pati rin iba pang mga residente mula sa kalapit-bayan ay nabigyan din ng pagkakataon na maging bahagi ng aktibidad.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng PESO Mangaldan sa iba’t ibang ahensya tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE), Provincial PESO at Department of Migrant Workers (DMW) para patuloy na makapagsagawa ng mga ganitong klase ng job fair sa kanilang munisipalidad para sa layunin nitong na makatulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga residente sa kanilang bayan. |ifmnews
Facebook Comments