Ilang mga kakandidato sa lokal na posisyon sa lungsod ng Maynila, naghahain na ng kanilang COC sa Comelec-Manila

Naghahain na ng kani-kanilang Certificate of Candidancy (COC) ang ilang lokal na kandidato sa lungsod ng Maynila.

Kabilang dito si Vice Mayor Honey Lacuna- Pangan na tatakbo bilang pagka-alkalde ng lungsod ng Maynila kasama ang kaniyang ka-tandem na si 3rd District Cong. Yul Servo.

Kasama nila ang buong partido ng Asenso Manileño kung saan ipinakilala muna nila ang ito bago magtungo sa Commission on Elections o COMELEC-Manila.


Sa pahayag ni Lacuna, hangad niya na maging kauna-unahang babae na maging alkalde ng Maynila at nais niyang ipagpatuloy ang nasimulan ni Mayor Isko Moreno na tatakbo naman na pangulo ng bansa.

Makakaharap ni Lacuna sa pagka-mayor ng lungsod ng Maynila si 1st District Rep. Manuel Luis Lopez na inindorso pa mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Wala pa namang impormasyon kung kailan maghahain ng COCs si Lopez at kung sino ang makaka-tandem nito bilang vice mayor.

Facebook Comments