Ilang mga kalsada sa Maynila, sarado sa mga motorosta ngayong Labor Day

Nag-abiso sa mga motorista ang Manila Police District (MPD) hinggil sa mga saradong kalsada ngayong Labor Day.

Partikular na pansamantalang sarado ang bahagi ng C.M. Recto Avenue mula S.H. Loyola Street hanggang o patungong Mendiola.

Sarado rin ang bahagi ng Legarda mula Figueras Street hanggang San Rafael Street kung saan dedepende sa lagay ng sitwasyon o trapiko ang muling pagbubukas nito.

Isinara ang mga nabanggit na kalsada kaugnay ng selebrasyon ng Labor Day.

Nabatid na inaasahan na dadagsa ang ilang mga raliyista o grupo para magsasagawa ng programa sa Mendiola.

Kaugnay nito, mahigpit na seguridad ang ipinapatupad sa Mendiola, Recto at university belt kung saan nagpakalat na rin ng checkpoints ang MPD.

Facebook Comments