
Nagbigay-pugay si Vice President Sara Duterte para sa lahat ng mga manggagawang Pilipino ngayong Labor Day.
Sumasaludo ang pangalawang pangulo sa mga manggagawang Pilipino na patuloy na nagsusumikap para sa ikauunlad ng kani-kanilang buhay para sa pamilya at para sa kumunidad.
Ipinahayag din ng pangalawang pangulo na ang pagdiriwang na ito ay tagumpay ng bawat Overseas Filipino Workers o OFWs, medical at security frontliners, community workers, guro at lahat ng nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong sector ng lipunan.
Hangad din ng pangalawang pangulo na mapagtagumpayan ng bawat isa ang mga hamon na kinahaharap para sa pagbabago ng ating bansa.
Facebook Comments