Pinagpapaliwanag na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ilang local officials na inaakusahan ng pamimili ng boto.
Sabi ni DILG Secretary Eduardo Año, agad silang nagpapadala ng notice to explain sa mga opisyal na isinasangkot sa vote buying.
Muli ring nagpaalala ang kalihim sa mga public official na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga pag-aari ng gobyerno para sa kanilang pangangampanya.
Kasunod nito, nilinaw ni Año na walang ipinag-uutos si Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang kahit sinong kandidato partikular na ang mga tumatakbo para sa pagkapangulo.
Aniya, ang utos lamang ng pangulo ay tiyakin na makakaboto nang maayos ang bawat pilipino sa darating na halalan sa Mayo 9.
Facebook Comments