Ilang mga kapwa komedyante ni Ate Gay, nagpaabot ng tulong matapos siyang ma-diagnosed dahil sa pneumonia

841

Nagpaabot ng tulong ang ilang kapwa komedyante ni Gil Morales o mas kilala bilang Ate Gay matapos siyang ma-diagnosed na may pneumonia.

Ayon kay Ate Gay, isa na nga si Paolo Ballesteros na nagbigay tulong sa kanya.


Base sa kaniyang post na may caption na “Tinulungan ako ng napaka-gwapong si Paolo Ballesteros, bait-bait naman ng kaibigan ko”.

Kabilang din sa nagbigay ng tulong kay Ate Gay sina Jon Santos at si comedy superstar at unkabogable Vice Ganda.

Say ng mga kapwa komedyante ni Ate Gay, hiling lang nila ang mas mabilis na paggaling nito at nami-miss na ng mga fans ang kaniyang pagpapatawa .

Ayon naman sa mga netizen, nakakatuwang makita na sa panahon at sa ganitong sitwasyon o kundisyon ay mas nananaig ang pagtutulungan kaysa sa tampuhan o kumpetisyon.



Facebook Comments