Binalasa ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang 400 na kawani nito sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon kay BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong, ang hakbang ay bahagi upang matigil ang korapsyon sa ahensiya.
Kabilang sa apektado ng pagbalasa ay ang 398 na immigration officers na nagsasagawa ng primary inspection duties sa NAIA.
Sinabi pa ni Capulong na ito na ang ikalawang rotation sa hanay ng BI-NAIA ngayong taon kung saan ang una ay noong Marso.
Layon aniya ng hakbang na maiwasan ang familiarization sa hanay ng mga nabanggit na empleyado.
Dinagdag din ni Capulong na opisyal ng bureau sa NAIA immigration counters, ay araw-araw din na binabalasa ang mahigit 80 immigration supervisors sa terminal.
Samantala, kinumpirma naman ni Immigration Commissioner Jaime Morente na may 195 na bagong empleyado ng bureau ang nakatakdang isalang sa training hinggil sa immigration laws, rules and procedures sa BI academy sa Clark, Pampanga.