Isa sa mga tumakbong alkalde sa Maynila, naghain ng protesta sa COMELEC

73

Naghain ng protesta sa Commission on Election (COMELEC) si Atty. Alex Lopez na tumakbong alklade ng Maynila kontra sa nakalaban nito na si Vice Mayor Honey-Lacuna.

Ito’y matapos ang masusing pagsusuri sa mga ebidensyang binigay ng mga volunteers at mga salaysay ng mga saksi sa malawakang dayaang naganap noong nakaraang May 9, 2022 election.

Sa loob ng isang linggo, isa-isang nagbigay ng pahayag ang mg taga-suporta ni Lopez mula sa iba’t ibang sektor sa anim na distrito ng Maynila upang mangalap ng ebidensya at salaysay tungkol sa bilihan ng boto, pangbabanta, at hindi awtorisadong paggamit ng mga ari-arian ng gobyerno para sa pangangampanya.


Dahil sa bigat ng ebidensya, pagkatapos makipagpulong sa kanyang mga abogado, napagpasyahan ni Atty. Lopez na ihain ang protesta at noong araw ng Biyernes, ika-20 ng Mayo 2022 nagsumite ito ng protesta sa pamamagitan ng E-filling sa Comelec at nitong Lunes (May 23) personal niyang isinumite ang petisyon laban sa grupo ng Asenso Manileño.

Giit kasi ni Lopez na hanggang ngayon, kuwestionable pa din ang pagkakapanalo ng kabilang kampo lalo na ng lumabas ang resulta mula District 1 hanggang District 6 kung saan nakuha lahat ng Asenso ang buong posisyon na 9-0.

Ilan sa mga sektor na pumuna sa pagkakapanalo ng kabilang kampo ang samahan ng mga kabataan, senior citizen, drivers at riders, vendors, at iba pang grupo na kumakatawan sa maralitang Manileño.



Facebook Comments