Ilang mga kolorum na van at bus gayundin ang mga pasaway na motorista, pinaghuhuli sa operasyon ng IACT sa Lawton, Manila

43

Nagsagawa ng operasyon ang Inter-Agency Council for Traffic (IACT) sa may bahagi ng Lawton sa lungsod ng Maynila.

Target ng IACT ang mga out of line na bus na dumidiretso sa Lawton sa halip na huminto sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).


Bukod sa mga bus, target din ng kanilang operasyon ang mga kolorum na van na kadalasang umiikot at kumukuha ng pasahero sa bahagi ng Lawton.

Ang pampasaherong jeep na hindi sumusunod sa ipinatutupad na health protocols ay sinita rin ng IACT kung saan ilan sa mga sakay nito ay hindi tama o nakasuot ng face mask at face shield.

Ang mga motorcycle rider naman na gamit ang mga nutshell at substandard na helmet gayundin ang mga angkas nito ay sinita rin ng mga tauhan ng IACT.

Ang mga nasitang van, motorcycle rider, pampasaherong jeep at bus ay binigyan ng violation ticket bukod pa sa paglabag ng ilan sa kanila sa health protocols.




Facebook Comments