Ilang mga kumakandidato sa lokal na posisyon sa Maynila, nakaboto na

36

Nakaboto na ang ilang mga kandidato na tumatakbo sa lokal na posisyon partikular sa pagka-alkalde at bise-alkalde sa lungsod ng Maynila.

Unang nakaboto si Vice Mayor Honey Lacuna kaninang umaga sa Legarda Elementary School habang ang ka-tandem nito na si Councilor Yul Servo sa Marcelo Agoncillo Elementary School.

Sunod na bumoto si Mayoralty Candidate Alex Lopez sa Mariano Ponce Elementary School sa Sta. Cruz, Maynila.


Nakaboto na rin ang isa pang kumakandidato sa pagka-alkalde na si Amado Bagatsing sa Justo Lukban Elementary School gayundin ang dating pulis na si Elmer Jamias at si Cristy Lim na anak ng yumaong dating Mayor na si Alfredo Lim.

Facebook Comments