Ilang mga LSI, ihahatid ng Philippine Navy sa Visayas

Halos 500 Locally Stranded Individuals (LSI) ang nakatakdang ihatid ngayon ng Philippine Navy.

Ihahatid ang mga LSI ng barko ng Philippine Navy na BRP Davao del Sur partikular sa iba’t ibang lalawigan sa Visayas.

Nabatid na ang ilan sa kanila ay ilang buwan nanatili sa Metro Manila makaraang abutan ng community quarantine dahil sa COVID-19.


Bago isakay, kinakailangan munang malaman ang bawat medical situation ng mga LSI para masigurong negatibo sila sa nakamamatay na virus.

Bukod sa mga LSI, maghahatid din ang Philippine Navy ng mga medical supplies at Personal Protective Equipment (PPE) sa Visayas upang magamit sa patuloy na paglaban ng mga healthcare frontliner sa COVID-19.

Facebook Comments