Ilang mga magulang, nalito sa naging anunsiyo ng pagbabakuna sa mga bata sa Bagong Ospital ng Maynila

Dismayado ang ilang mga magulang na nagtungo sa Bagong Ospital ng Maynila para mabakunahan sana ng maaga ang kanilang mga anak na nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Nabatid kasi na biglaang binago ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang oras ng drive-thru vaccination sa Bagong Ospital ng Maynila.

Nabatid na iniurong ng ala-1:00 ng hapon ang simula ng pagbabakuna sa halip na alas-8:00 ng umaga.


Magtatalaga naman ng pagbabakuna hanggang alas-5:00 ng hapon na may 1,000 doses ng Pfizer vaccines na inilaan para sa mga bata.

Sa ngayon, marami ng mga sasakyan ang nakapila sa tapat ng Bagong Ospital ng Maynila at ang iba sa kanila ay nagdesisyon na maghintay na lamang habang ang iba ay umuwi na muna.

Wala pa namang tugon ang Manila LGU kung bakit biglaang binago ang oras ng pagbabakuna sa mga bata.

Facebook Comments