Pagsisimula ng kampanya ni Senator Pacquiao, kasado na sa GenSan

Sa kanyang bayan sa General Santos ang kick off ng kampanya ni Presidential Aspirant Senator Manny Pacquiao.

Sisimulan ito sa pamamagitan ng isang caravan na lilibot sa General Santos City, bandang ala-una ng hapon.

Masusundan ng isang proclamation rally alas-tres ng hapon na gaganapin sa Oval Stadium sa GenSan.


Sa pagsisimula ng campaign period ay nangako si Pacquiao na ihihinto niya na rin ang pamimigay ng salapi sa kanyang mga events.

Magugunitang sinabi ni Pacquiao na ang pamimigay ng salapi sa kanyang paglilibot ay layuning makatulong at hindi maituturing na vote buying dahil hindi pa naman nagsisimula ang panahon ng kampanya na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC).

Facebook Comments