ILANG MGA MAGULANG NG MGA ELEMENTARYANG MAG-AARAL SA DAGUPAN CITY, ALALAHANIN UMANO ANG NARARANASANG PAGBAHA

Isa umano sa pangunahing alalahanin ng ilang mga magulang sa Dagupan City ang nararanasang pagbaha sa lungsod para sa kapakanan ng kanilang mga anak na pumapasok kani-kanilang mga paaralan kasabay pa ang nararamdamang sama ng panahon.
Bukod daw sa maaaring makuhang sakit na sa pagsuong sa maruming tubig baha ay ilan na raw sa mga anak ng mga ito ay nakakaranas din ng mga pag-ubo at pag sipon dahil na rin sa tuloy tuloy na pag-ulan noong mga nakaraang araw.
Maigi raw ang pagsususpindi ng klase sa tuwing ganito ang panahon dahil natitiyak daw ng mga ito na ligtas ang kanilang mga anak.

Samantala, nabanggit din ng mga ito ang kanilang personal na pahayag ukol pa sa pagbabalik sana ng dating schedule ng bakasyon at pagbubukas ng school year ng mga bata.
Ayon sa ilang nakapanayam ng IFM Dagupan, kung nasa dating schedule raw sana ay baka ngayon ay nasa pang-apat na quarter na ang mga mag-aaral, kumpara ngayon na kakaumpisa pa lang umano ng klase ay suspendido na dahil sa sama ng panahon.
Aminado naman ang mga ito na ito ay direktiba mula sa Kagawaran ng Edukasyon at kinakailangang sundin nila anuman ang inilabas na alituntunin. |ifmnews
Facebook Comments